Labing tatlong menor de edad, nasagip sa dalawang bar sa Quezon City

68

Quezon City – Labing tatlong menor de edad ang nasagip ng PNP Women’s and Children Protection Center ng (PNP-WCPRC) sa dalawang bar sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Villamor Tuliao, hepe ng PNP Anti-Trafficking in Persons Division, hindi kaagad mapapansin na mayroong nagaganap na pambubugaw sa mga bar dahil sa second floor ginagawa ang mga sexual activities.


Inaresto naman ang hindi pa nakikilalang kahera at waiter ng bar na si Arnel Ultra kung saan kanilang iginiit na hindi nila alam na may ganitong kalakaran sa kanilang pinapasukan.

Kasalukuyan naman hawak ng social service development department ng Quezon City ang mga menor de edad habang pinaghahanap na ang hindi na pinangalanang may-ari ng mga bar.

DZXL558

Facebook Comments