Arci Muñoz, naka-move on na sa dating kasintahan; inaming nakikipag-date sa isang businessman

Manila, Philippines – Moving-on na ngayon ang aktres na si Arci Muñoz matapos ang kanilang hiwalayan ng ex-boyfriend na si Badi Del Rosario na anak ng prinsipe ng Brunei.

Ayon kay Arci, almost 1 year na mula ng magkahiwalay sila kaya’t deserve naman daw niya ngayon na maging masaya.

Sinabi na ni Arci na sinubukan pa niyang ayusin ang kailang relasyon ng dating kasintahan pero hindi na ito umbura pa.


Inamin naman din nito na nagsisimula na siyang makipag-date kung saan isang businessman ang kaniyang nakakasama.

Itinanggi din ng aktres ang kumalat na balita na nagpa-retoke ito ng kaniyang labi at aniya totoo daw ito at never pa niya itong ipina-opera.

Facebook Comments