Labingtatlong kalalakihan, arestado sa isinagawang anti-criminality operation sa Makati

67

Makati, Philippines – Arestado ang labintatlong kalalakihan sa isinagawang anti-criminality operation ng police station 7 ng Makati City Police sa lungsod ng Makati.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay South Cembo, Makati City bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.

Ang mga arestadong kalalakihan ay pinagdadampot dahil nahulihan sa akto ng iligal na pagsusugal, paglabag sa city ordinance partikular ang pagbabawal sa pag-iinum ng alak sa pampublikong lugar habang ang ilan ay nahaharap sa paglabag sa RA 9165 dangerous drugs act.

DZXL558

Facebook Comments