Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Navotas

89

Navotas City, Philippines – Pinagbabaril sa loob ng bahay hanggang sa mapatay ng suspek ang biktima sa fishport Barangay NBBN, Navotas City kagabi.

Dead on the spot itong si Leo Camiguin alyas ‘kulot’ matapos tamaan ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon kay Navotas chief of Police Sr. Supt. Dante Novicio, alas-7 ng gabi nang pasukin ng hindi nakilalang suspek ang bahay ng biktima sa market 3 loob ng Navotas fishport.

Matapos ng pamamaril, agad tumakas ang mga suspek gamit ang hindi naplakahang motorsiklo.

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang 3 basyo ng .45 bala ng baril.

Base sa datos ng Navotas pulis wala sa kanilang drug watch list si Camiguin pero base sa nakikita ng mga kapitbahay nagbebenta ito ng shabu.

DZXL558

Facebook Comments