Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Libya ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mga problema sa paggawa sa hanay ng mga Pinoy sa Libya.
Partikular ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na may problema sa Certificate of Exemption (COE).
Bunga nito, hinihimok ng embahada ang lahat ng Pinoy workers sa Libya na may problema sa pagkuha ng COE na magparehistro sa embassy.
Ang kailangan lamang nilang isumite ay ang kopya ng kanilang kontrata, kopya ng entry at working visa.
Facebook Comments