Manila, Philippines – Nagpakalat na rin ng mga human rights observer ang tanggapan ng Commission on Human Rights sa mga rally sites sa Metro Manila at lalawigan ngayong araw ng paggawa ,Mayo 1.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, gusto lamang nilang makatiyak na walang malalabag na karapatan sa panig ng mga raliyista habang nagsasagawa ng kanilang mga pagkilos.
Sinabi pa ni Atty. De Guia, na lahat ng regional offices ng CHR ay nakakalat na sa mga rally sites para i-monitor ngayong araw ang mga aktibidad ng mga manggagawa sa buong bansa.
Kasama na rin sa dineploy ang mga human rights investigator ng Investigation Office ng Central Office sa Metro Manila.
Una na ring ipinahayag ng National Capital Region Police Office na magpakalat ito ng human rights officer sa mga rally sites para bantayan ang anumang mga paglabag sa karapatang pantao hindi lamang sa mga raliyista kundi pati na sa mga uniformed personnel.
Ang human rights team ng PNP na idedeploy ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Commission on Human Rights, PNP Regional Human Rights Affairs Office at District Human Rights Affairs offices.