TINAMBANGAN | Isang sundalo, patay habang isang kasama nito sugatan sa pamamaril sa Bukidnon

Bukidnon – Isang sundalo ang nasawi habang isa ang sugatan matapos silang tambangan ng mga armadong lalaki sa bayan ng Quezon, Bukidnon.

Nakilala ang mga biktima na sina 2nd Lieutenant Kevin Abad at PFC Joehan Macalong.

Sa ulat, sakay ng motorsiklo ang dalawang sundalong naka-civilian na damit at walang bitbit na armas nang bigla silang pagbabarilin sa Sto. Domingo, Barangay Lumintao, Quezon, Bukidnon.


Agad na isinugod sa ospital ang dalawa pero binawian ng buhay si Abad kung saan patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng Philippine Army para matugis ang mga suspek.

Facebook Comments