Labor Department, humihirit ng karagdagang ₱2B para sa OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic

Pinalawig pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamamahagi nito ng financial assistance sa mahigit 1-milyong mga manggagawa mula sa formal at informal sector kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa DOLE, umabot na sa 1,059,387 na manggagawa ang nabigyan ng cash assistance at umabot na rin sa ₱4.4 billion ang kanilang naipamahagi.

Ito ay mula sa kanilang regular budget at hiwalay pang ₱1.05 billion na emergency fund.


Sinabi ng DOLE na tinapos na nila ang kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Displaced/Disadvantaged Workers, at ang Barangay Ko Bahay Ko o TUPAD #BKBK program.

Ang natitirang programa na lang ng Labor Department ay ang tulong pinansyal sa mga OFWs sa ilalim ng AKAP program kung saan binibigyan ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng one-time na ₱10, 000 o $200 na cash assistance.

Facebook Comments