Labor group at employer’s group, umapelang ipagpaliban muna ang nakaambang na contribution hike ng SSS at PhilHealth

Umaapela ang isang labor group at employer’s group na ipagpaliban muna ang taas ang kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Giit ni Kilusang Mayo Uno (KMU) Secretary-General Jerome Adonis, hindi makatuwiran na magkaroon ng dagdag kontribusyon lalo’t walang pagtaas ng sahod sa manggagawa kung saan mayorya sa mga ito ay contractual.

Sabi naman ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Chair Sergio Ortiz Luis, magiging dagdag gastos din ito ng mga employer.


Sa ilalim ng batas, tataas ng 1% ang kontribusyon ng SSS simula Enero 2021 mula sa dating P1,480.

Magiging P350 naman ang minimum na contribution ng PhilHealth pagdating ng Enero, mula sa P300.

Facebook Comments