Labor group, hiniling sa gobyerno na bigyan ang mga healthcare worker ng pinakamagandang pagpipilian sa pagbabakuna laban sa COVID-19

Hinikayat ngayon ng Nagkaisa Labor Coalition at ng Healthcare Workers Unions ang gobyerno na bigyan sila ng pinaka-mainam na pagpipilian sa pagbabakuna laban sa COVID-19

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, pinapaalala ng Healthcare Workers Unions sa gobyerno na ang naging pahayag ng tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagiging ‘choosy’ o ‘mapili’ umano ng mga Pilipino ay hindi umano ang usapin dito ang pagiging mapili kundi ang punto rito ay ipinaalam sa administrasyong ito na dapat gamitin ng gobyerno ng tama ang kanilang pera.

Umalma naman si Iloilo Mission Hospital Employees Union President Tiffany Ong sa pagsasabing dapat ang pinakamabuti ang ibigay sa mga manggagawang Pilipino, at hindi dapat maliitin din ang pananaw ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19 na mula sa China sa pagsasabing “colonial mentality” o “pagiging mapili” o choosy” ang mga Pilipino.


Dagdag pa ng pinuno ng Unyon ng Ilongga na dapat paalalahanan ang gobyerno na ang mga Pilipino ay hindi dapat bigyan ng pangalawang antas ngunit ang pinakamahusay na pagpipilian kung saan kinuwestyon nito kung bakit bumili ng mahal na bakuna pero hindi pa nasusubukan samantalang marami naman umanong epektibo at abot kayang pagpipilian na bakuna laban sa COVID-19.

Hinikayat naman ni UERM Employees Union-FFW Union President Manuel Payao ang mga empleyado na magpabakuna pero iminungkahi nito na dapat ay boluntaryo lamang habang sinusuri pa ng husto ang bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments