Labor group na FFW, kumikilala sa paghahanda ng DOH sa pagsugpo sa pagkalat ng Monkeypox

Ang Federation of Free Workers ay kumikilala na naghahanda ang Department of Health (DOH) pagsawata o pagsugpo sa pagkalat ng Monkeypox maski na wala pang Monkepox sa Pilipinas.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox bilang isang “public health emergency of international concern”.

Tinukoy ng WHO na ito ay isang “extraordinary event” na bumubuo ng isang “public health risk” sa iba’t ibang mga estado sa mundo sa pamamagitan ng pandaigdigan na pagkalat ng sakit.”


Ito po ay mangangailangan ng isang koordinadong pandaigdigan na tugon hindi lamang ng mga estado kundi kasama rin ang mga manggagawa, employers at ang kanilang mga organisasyon para hindi na kumalat pa ang virus.

Ating napag-alaman na mula nang magsimula ang pagsiklab ng Monkeypox noong Mayo, karamihan sa mga kaso ay nangyari sa mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki.

Gayunpaman, maaaring mahawaan ng Monkeypox ang sinuman sa pamamagitan ng pagdikit ng balat sa balat.

Sa kaso ng mga bata, sinabi ng DOH na maaaring kabilang dito ang “paghawak, pagyakap, pagpapakain, gayundin sa pamamagitan ng mga nakabahaging bagay tulad ng mga tuwalya, kama, tasa, at mga kagamitan.”

We should learn from our experience with Covid 19 at the height of the pandemic. Kung may bakuna na dapat tuloy pa rin ang kampanya sa pagpabakuna .

Tiyakin din natin na gumagana ang mga OSH Committee sa bawat kompanya upang mapag-usapan ang monkeypox para makapag-create ng awareness sa pagawaan at sa komunidad.

Ang OSH Committee ay magsusuri rin sa sitwasyon at magrerekomenda ng aksyon sa management at unyon o gobyerno patungkol sa pagsawata sa pagkalat ng Monkeypox.

Facebook Comments