Labor inspections sa mga establisyimento, ibabalik na ng DOLE

Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbabalik ng labor inspections sa buong bansa ngayong 2022.

Ito ay matapos na pansamantalang suspendihin noong Disyembre 2021.

Ayon sa DOLE, magtutuloy-tuloy na ang pagsasagawa ng routine inspections, complaint inspection, occupational safety and health standards investigation, at special inspection sa mga establisyimento hanggang katapusan ng taon.


Ipinatigil ang lahat ng labor inspection activities noong nakaraang buwan upang tapusin muna ang lahat ng labor standards cases at paghandaan ang inspection program ngayong 2022.

Samantala, noong nakaraang taon ay umabot sa 90,327 establisyimento ang kanilang ininspeksiyon.

Facebook Comments