LABOR INSPECTOR | DOLE, nagtalaga ng mga bagong Inspector

Manila, Philippine – Binigyan ng General Authority ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang 57 bagong Volunteer Labor Inspector mula sa Professional Group, Labor Organization, Asosasyon ng mga manggagawa, at Non-Government Organizations upang lumahok sa inspeksyon ng mga establisimento hanggang matapos ang taong ito o 2018.

Ayon kay Bello ang General Authority ay nakapaloob sa Administrative Oder No 36-C serye ng 2018, at may bisa ang mula Setyembre 25 hanggang Disyembre 31, 2018.

Paliwanag ng kalihim, makatutulong ito upang mapalakas ng DOLE ang workforce para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas paggawa sa iba’t ibang establisimento sa Western Visayas, Central Visayas, at Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at National Capital Region.


Sa kasalukuyan aniya, mayroon ng 215 Volunteer na naisyuhan ng General Authority upang magsagawa ng Inspeksyon sa mga establisimento.

Dagdag pa ni Bello na ang mga Volunteer Inspectors ay maaaring mag-interview ng mga manggagawa sa presensya rin ng Labor Laws Compliance Officer ng DOLE at kinatawan ng mga Employer, siyasatin ang mga Employment Record, at dumalo sa mga Mandatory Conference ng mga na-assess na establisimento kung saan asailalim rin sila sa gabay at pangangasiwa ng DOLE Regional Director.

Facebook Comments