RE-SHUFFLE | 500 Immigration personnel, binalasa

Manila, Philippines – Limang daang Bureau of Immigration (BI) officers sa NAIA Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang binalasa.

Ito ay bahagi pa rin ng regular na pag-reshuffle ng BI sa kanilang mga tauhan sa paliparan.

Layon nito na maiwasan ang fraternization na nagreresulta sa katiwalian.


Huling nagpatupad ng pagbalasa ang BI noong nakalipas na July at masusundan ito sa unang bahagi ng susunod na taon.

Aminado naman ang immigration officers na nagutal sila sa biglaang rotation sa kanila.

Facebook Comments