Labor Sec. Bello kontra sa smoking ban ng IATF

Hindi kumporme ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa plano ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magpatupad ng smoking ban para makatulong sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magkakaroon ito ng epekto sa negosyo at sa trabaho ng mga manggagawa partikular sa tobacco industry.

Aniya, umaabot sa P145 billion ang naire-remit na excise tax sa pamahalan ng tobacco industry kada taon at 2.5 million na mga manggagawa ang nabibigyan nito ng trabaho.


Ayon kay Bello, bilang kalihim ng Labor Department, trabaho niyang protektahan ang mga manggagawa.

Iginiit ng kalihim na maaari namang payagan ang paninigarilyo sa mga smoking areas kasabay ng pag-obserba sa tamang physical distancing.

Facebook Comments