Laboratoryo na Pinondohan ng US Government, Binuksan na

Cauayan City, Isabela- Pormal nang binuksan ang Anthrax Laboratory na kauna-unahan sa bansa na pinondohan ng United States-Defense Threat Reduction Agency (US-DTRA).

 

Bahagi na ngayon ang bagong bukas na laboratory ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) ng Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratory.

 

Ayon kay DA Undersecretary for Livestock William Medrano, layunin ng laboratoryo ang maiwasan ang posibleng pagkalat ng severe infectious disease.


 

Batay sa datos, nakapagtala ng anthrax incidence simula 1999 hanggang 2015 sa Cagayan, Isabela, at Quirino kung saan taong 2010 nakapagtala ang Cagayan at Isabela ng kabuuang 150 human cases.

 

Giit ni Medrano,walang tigil ang ginagawang pagpapalaganap ng ahensya sa kasanayan ng biosecurity sa mga rehiyon upang mabawasan ang peligro sa mga hayop at produkto.

 

Taong 2016, ang United States-Defense Threat Reduction Agency (US-DTRA) ay nagpahayag na ng intensyon sa pagbibigay ng tulong upang mapabuti ang DA diagnostic laboratory.

 

 

Ipinaliwanag naman ng US agency na ang proyekto ay nakapasailalim sa dalawang (2) kasunduan at ito ay ang Cooperative Threat Reduction Agreement (CTRA) at Philippines-USA Agreement on Scientific and Technological Cooperation.

 

Ayon naman kay Morgan Haas, United States Agency for International Development (USAID) Agricultural Section representative, ang pagpondo dito ay upang matiyak ng mga mamimili at mangangalakal sa pagbibigay ng ligtas at maaasahang produkto.

 

 

Iginiit naman ni Major Brian Smith, Chief of US-DTRA na pinatuyan ang matibay na relasyon ng Pilipinas sa mga susunod pang taon.

 

 

Ang nasabing laboratoryo ay bahagi rin ng sound science-based policies sa pagtataguyod sa animal health na magbibigay daan para sa mas mabilis na koordinasyon at pagpapatupad ng mabuting kasanayan hanggang sa mga bukirin.

 

 

 

 

Facebook Comments