Laborer, Arestado sa Bayan ng Gamu, Isabela!

*Gamu, Isabela*- Inaresto ng mga otoridad ang isang laborer sa bisa ng mandamiento de aresto sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela kahapon, June 8, 2019

Kinilala ang akusado na si Regiemar Guittu, 31 anyos, walang asawa at residente ng P4 Sitio Zingapan sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Gamu PNP, nagpalabas ng kautusan si hukom Angerico Ramirez ng 11th MCTC Gamu-Burgos para sa pagkakadakip sa akusado para sa kasong Act of Lasciviousness


Inirekomenda naman ng hukuman ang pansamantalang kalayaan ng akusado kung makakapaglagak ito ng piyansa sa halagang P36,000.00

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga alagad ng batas ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments