Laborer, Arestado sa Pagtutulak ng Droga

Cauayan City, Isabela- Dinakip ang isang manggagawa dahil sa pagbebenta ng illegal na droga sa ikinasang drug buybust operation ng Solana Police Station sa Lalawigan ng Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Mario Molina, 41 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy Lanna, Solana, Cagayan.

Nabentahan ni Molina ng pinatuyong dahon ng marijuana na ibinalot sa papel ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang halagang P500.00.


Agad na inresto si Molina matapos itong magpositibo sa ikinasang transaksyon ng mga operatiba.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang unit ng cellphone at ang perang ginamit sa buybust operation.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments