Laborer mula Datu Abdullah Sangki Maguindanao, nagsaule ng 5K cash assistance

Muling pinatunayan ng isang taga Maguindanao na hindi balakid ang pagiging mahirap para ipakita ang pagmamahal sa kapwa at pagiging matapat lalo na ngayong panahon ng krisis.
Itoy matapos na isaule ng isang Contract Laborer ang tatanggapin sanang Social Amelioration Program o cash assistance mula sa pamahalaan.
Sa impormasyong ipinarating ni Datu Abdullah Sangki Administrator Kahar Dalaten, kinilala nito ang matapat nilang kababayan na si Jeffrey Gargaran Raymundo Sr., 25years old, residente ng Purok 6, Brgy. Talisawa .
Hindi aniya tinanggap ni Raymundo ang 5K mula sa payout ng DSWD matapos na mapabilang na rin sa Pantawid Pamilya ang misis nito.
Kaugnay nito, lubos ang paghanga ng mga kawani ng DSWD ng munisipyo sa pangunguna ni Corazon Gorospe maging ang mismong DAS LGU sa Katapatan ni Raymundo. Magsilbi sana itong inspirasyon sa lahat.
Noong April 22, ng magsimula ang payout ng SAP sa buong Maguindanao.

Facebook Comments