Laborer nagnakaw sa isang empleyada, arestado sa QC

Manila, Philippines –  Kalaboso ang isang laborer matapos pagnakawannito ang isang empleyada  sa loob ng EtonCentris sa Edsa Quezon City.

 
Kinilala ang suspek na si Raul Esmeres, 46-anyos,na nahuli sa aktong ninanakaw ang isangflash drive na nagkakahalaga ng 6 na libong piso  at camera na aabot sa halos apat na libongpiso.

 
Ayon sa salaysay ng biktimang si Judith Relosa Baldomar, mayroon siyang kostumer nainaasistehan kayat di nya napansin ang ginawang pagnanakaw ng suspek.


Mabuti na lamang aniya isa sa kanyang kasamahan nanakilalang si Rachel Estores 31, anyos ang nakahuli sa aktong pagnanakaw  ni Esmeres.

 
Kayat agad na dinampot ang  suspek na nahaharap sa kasong theft.

 
Nabawi naman sa suspek ang mga gadget na kanyang ninakawna aabot sa halos sampung libong piso.

Facebook Comments