Lalaki, sugatan sa pananaksak sa Makati City

Manila, Philippines –  Sugatan ang 24 anyos na si  Jobert Ocampo matapos na saksakin ngkapitbahay na nakilala lamang sa alias na Jimboy sa Makati city.

 
Batay sa report ng Makati city police, narinig ng ngasaksi na nagtatalo sina Ocampo at alias Jimboy sa Kalayaan Avenue Brgy Cembomakati.

 
Narinig nila na naghamunan ang dalawa na nauwi sa  biglang pagbunot ng balisong at inundayan ngsaksak si Ocampo


 
Isinugod sa Ospital ng Makati si Ocampo na nagtamo ngsaksak sa kaliwang tagiliran.

 
Pinaghahanap naman na si alyas jimboy na tumakas dala angbalisong.

 

Facebook Comments