Ipinahayag ni Senator Panfilo Lacson na gusto niyang ipataw ang death penalty sa kapulisan na nagtatanim lamang ng ebidensya ng droga sa mga inosenteng biktima ng war on drugs na programa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam kay Lacson sa isang radio station, ibinahagi niya ang suwestiyon na ipataw din ang sintensyang kamatayan sa mga mapapatunayang nagtanim ng droga habang nagsasagawa ang raid.
Iprinesenta ni Lacson sa Senado ang 2017 surveillance footage kung saan ang ilang police officer ay nagtatanim ng droga habang raid sa isang office building.
Isang report din na naitala ng Reuters na may bayad ang kapulisan sa mga hinihinalang drug traffickers na 10,000 kada tao.
Samantala, hinihikayat naman ni Lacson ang mga kasamahan na suportahan ang death penalty upang masigurong mapapatawan ng kaparusahan ang drug lords sa bansa.
Sinusuportahan naman ng Philippine National Police (PNP) na maging lethal injection ang ipapataw sa mga mapapatunayang nagkasala sakaling maging batas ang death penalty.