Lacson, nararapat na lider pagdating sa usapin ng national defense

Tiniyak ni Partido Reporma standard bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson na siya ang pinaka-akma maging lider ng bansa para harapin ang sitwasyon gaya ng nangyayari sa Ukraine at Russia.

Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Partido Reporma Spokesperson Cong. Ashley “Ace” Acedillo na bago pa lusubin ng Russia ang Ukraine ay nakakita na ng ilang indikasyon si Lacson na mangyayari ito.

Kabilang na rito aniya ang pagbuo ng mga Ruso ng pwersa at ang sunod-sunod na hacking incident sa iba’t ibang bansa.


Sinabi pa ni Acedillo na kabisado na ni Lacson ang mga ganitong senaryo kung ibabase sa kaniyang 18 taong panunungkulan sa gobyerno at pagiging chairman ng Senate Committee on National Defense and Security.

Nauna nang sinabi ni Lacson na hindi dapat manatiling neutral o walang kinakampihan ang Pilipinas sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Facebook Comments