Lacson, proud sa paninindigan ni Poe, Binay

via Facebook pages of Sen. Grace Poe and Sen. Nancy Binay

Pinuri ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sina reelectionist senator Grace Poe at Nancy Binay matapos manindigan ang dalawa bilang independent.

Matatandaang sa group picture noong proklamasyon ng mga nanalo sa eleksyon, tanging si Sen. Poe at Sen. Binay lang ang hindi nag-‘Duterte fist bump.’ (Tignan: Grace Poe, Nancy Binay hindi sumali sa ‘Duterte fist bump’ pose)

Sa isang tweet, sinabi ni Sen. Lacson na tatawagin niya na ang dalawa na “grace and grace.”


Muling nahalal na senador si Poe matapos makakuha ng mahigit 22 milyong boto, pangalawa sa karera, habang nakapasok naman sa last spot si Binay, na may higit 14 milyong boto.

Facebook Comments