Grace Poe, Nancy Binay hindi sumali sa ‘Duterte fist bump’ pose

3118
Courtesy of CNN Philippines

Hindi sumama si Sen. Grace Poe at Sen. Nancy Binay sa iba pang bagong proklamang senador na nag-pose sa isang photo nang naka-fist bump–o ang signature pose ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Habang naka-fist bump ang ibang senador, nanatiling nakababa sa harapan niya ang mga kamay ni Poe, samantalang ginawa naman ni Binay ang number one sign na signature ng kanyang partidong United Nationalist Alliance.


Bagama’t parte ng Senate majority bloc ang dalawa, nadomina ng mga kaalyado ng Pangulo ang mga bagong senador, kung saan siyam sa kanila ay inindorso ng mga Duterte.

Facebook Comments

From Advertisers