Lacson-Sotto tandem, inirekomendang mahinto na ang online sabong

Inirerekomenda nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential Senate President Vicente “Tito” Sotto III na matigil na ang online sabong hangga’t mawala ang usapin ng online sabong.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem, ang ginawa nilang rekomendasyon na ipatigil ang online sabong ay dahil na rin sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang operasyon ng e-sabong.

Matatandaan na binanggit ni Sotto na nagkita sina Pangulong Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa kasal ng apo ng pangulo kung saan binanggit ni Pangulong Duterte kay Senador dela Rosa na sususpindihin nito ang e-sabong.


Paliwanag nina Lacson-Sotto tandem na marami ng nalulong sa online sabong at mayroon pang tumalon para lamang matakasan ang pagkakautang sa online sabong.

Giit nina Lacson-Sotto Tandem na bagama’t umaabot ng P1.4 bilyon ang kita ng gobyerno sa online sabong pero ang mahalaga ay ang kapakanan ng mga kamag-anak ng mga sabungerong nawawala at maging ang mga nalululong sa naturang online sabong.

Facebook Comments