PNP, nagpatupad ng balasahan sa 18 na matataas na opisyal

Nagpatupad ng malawakang balasahan sa matataas na opisyal ang Philippine National Police (PNP).

Apektado ng balasahan ang 16 heneral at 2 colonel.

Si Police Lt. Gen. Israel Dickson na Deputy Chief for Operations, number 2-man na ng PNP matapos ma-promote bilang Deputy Chief for Administration.


Papalitan ni Dickson si Police Lt Gen. Joselito Vera Cruz na nakatakda nang magretiro sa March 8.

Umangat din sa pwesto si Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na bagong Deputy Chief for Operations.

Habang nailipat naman bilang Directoral Staff si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Maj. Gen. Vicente Danao.

Samantala, papalit naman kay Danao sa NCRPO si Police Maj. Gen. Felipe Natividad na galing sa Special Action Force (SAF).

Epektibo ang balasahan ngayong araw March 1, 2022.

Facebook Comments