Lacson-Sotto Tandem, kakalampagin ang DILG at DSWD para sa mga ayuda ng mga driver sa Quezon Province

Tiniyak nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na agad nilang tatawagan ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na responsable sa pamamahagi ng ayuda na nagmula sa Bayanihan 2 na hindi pa natatanggap ng mga tsuper sa Candelaria, Quezon.

Sa ginawang town hall meeting nina Lacson-Sotto Tandem, inamin ng mga samahan ng Tricycle and Operators Drivers Association (TODA) na hindi pa nila natatanggap ang ayuda mula sa Bayanihan 2 na umaabot sa P5.58 bilyon pero mabagal ang implementasyon nito.

Ayon kina Lacson-Sotto Tandem, bukod sa P5.8 bilyon na ayuda mula sa Bayanihan 2 ay mayroon pang panibagong subsidiya mula sa fuel subsidy na umaabot sa P2.5 bilyon fuel subsidiya sa mga transport sector na dapat ay mapakinabangan ng mga tsuper.


Giit nina Lacson-Sotto Tandem, dapat makipag-ugnayan ang mga tsuper sa Local Government Unit (LGU) o kaya ay sa DSWD upang makapag-avail ng P6,500 bawat tsuper sa naturang ayuda dahil sa tumaas ang presyo ng langis sa Pandaigdigang Merkado.

Facebook Comments