Naniniwala sina presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat tularan ng Pilipinas si Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Ayon kina Lacson-Sotto tandem, tuwing makikita umano nila si Zelensky na katabi ng mga sundalo ay kinikilabutan umano siya kung saan nagpapakita na handang mamatay para sa kanyang bansa.
Paliwanag naman ni Lacson na kung mayroon lamang na tunay na pagmamahal at malasakit sa bayan ang susunod na pangulo ng Pilipinas ay kaya umano nating malalampasan ang mga epektong lilitaw at makakaapekto sa buhay ng mga Pilipino dulot ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Giit ni Lacson, napapanahon na umano para masusing suriing maiigi ng mga Pilipino kung sino ang karapat-dapat at tunay na may kakayahan sa lahat ng mga kandidato para pamahalaan ang bansa lalo sa panahon ngayon na may nagaganap na iringan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Dagdag pa ni Lacson na dapat ang isang pangulo ng bansa ay handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang mga mamamayan gaya ng ginagawa ngayon ni Ukraine President Volodymyr Zelensky.