Ilang grupo na supporters nina Pangulong Duterte at Senator Bong Go, nagkasundo na susuportahan ang BBM-Sara tandem

Bagama’t wala pang ineendorso sa mga tumatakbo sa pagkapangulo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go ay ilang grupo na sumusuporta sa dalawa ang nagpahayag ng pagsuporta kina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at vice presidential candidate Sara Duterte.

Ang mga grupong ito ay nagkita-kita sa Quezon City at pumirma ng memorandum of agreement at nagsagawa ng oath taking na nagpahayag ng pagsuporta sa BBM-Sara tandem.

Tinawag na Let’s Go-UniTeam Coalition ang grupo.


Naniniwala kasi ang mga grupong ito na si BBM lang ang may kakayanang mamuno sa bansa dahil sa karanasan nito bilang dating local chief executive at dating legislator na kailangan ng bansa para mapanatili ang mga magagandang programa nasimulan ni Pangulong Duterte.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng komento sina Pangulong Duterte at Senator Go kaugnay sa pagsuporta ng kanilang mga supporter sa BBM-Sara Tandem.

Facebook Comments