Lacson-Sotto tandem, mas pabor sa ₱500 ayuda kaysa ₱200, pero langis, itinutulak pa rin ang suspension ng excise tax

Inihayag nina Partido Reporma presidential aspirant at Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mas hindi hamak na maganda ang ₱500 kada buwan na ayuda para sa mga mahihirap na kababayan kumpara sa ₱200 na kakapiranggot lamang.

Nagpasalamat si Lacson na kahit paano ay dinagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahing ayuda sa mga mahihirap na pamilya bilang pagtugon sa pagtaas ng presyo ng gasolina kasabay ng pagtaas ng ilang bilihin sa merkado.

Ikinuwento ni Sotto, sa isinagawang ambush interview sa Gapan City, Nueva Ecija sa ginawang courtesy call nila kay Mayor Emeng Pascual, nagtatanong aniya si Pangulong Duterte kay Dominguez kung kakayanin ba ang ₱500 kada buwan na ayuda sa mga mahihirap na pamilya.


Matapos aniya na kumpirmahin ni Dominguez na kakayanin ang pondo doon na nilagdaan ng pangulo ang ₱500 na ayuda.

Subalit iginiit nila Lacson at Sotto na mas makakabuti pa rin ang pagpapatupad ng suspension sa excise tax ng produktong petrolyo kahit man lamang sa loob ng tatlong buwan.

Facebook Comments