Lacson-Sotto tandem, may major announcement

Magkakaroon ng pagbabago sa political ticket ng Partido Reporma.

Ito ang inihayag ni Partido Reporma Chairman at Standard-Bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasunod ng anunsyo kahapon ni Partido Reporma Senatorial Aspirant Paolo “Powee” Capino na i-withdraw ang kanyang kandidatura sa 2022 election.

Sa gagawing ika-pitong “Online Kumustahan” activity bukas, araw ng Linggo sa San Fernando City, sa Pampanga, inaasahang iaanunsyo ni Lacson ang mga pagbabago sa partido.


Una nang inihayag ni Capino ang kanyang pag-atras sa senatorial race ay dahil sa maliit ang tyansa nitong manalo sa halalan, batay sa mga survey.

Magbibigay-daan din aniya ito upang mas mapalakas pa ng senatorial line – up ng Partido Reporma.

Sa ngayon ay nananatili sa senatorial line-up ng Partido Reporma sina Dr. Minguita Padilla at Monsour Del Rosario.

Facebook Comments