Pantawid-trabaho para sa mga kabataan, dapat palakasin

46

Pinadaragdagan ni Senador Risa Hontiveros sa National Economic Development Authority (NEDA) ang pondo para sa youth apprenticeship program.

Ito ay upang makatulong na maibalik ang kabataan sa eskwelahan at trabaho sa gitna ng limitadong oportunidad dahil sa economic recession.

Ayon kay Hontiveros, maraming mga kabataang edad 15 hanggang 24 ang walang trabaho o hindi pumapasok sa eskwela.


Sa impormasyon ni Hontiveros, mula 39,000 lang noong July 2020 ay umakyat ito sa 925,000 nitong July 2021.

Inaasahan ni Hontiveros na dadami pa ang mga ito kaya kailangan ng pantawid-tulong habang wala pa silang nakikitang permanenteng trabaho.

Mungkahi ni Hontiveros sa NEDA, mag-invest sa mga programa gaya ng job start program para magbigay ng tulong at pantawid-trabaho para sa mga kabataang matatapos ng K-12 pero mahihirapang makahanap ng trabaho.



Para kay Hontiveros, maganda ring mag-invest sa IT-BPO industry kung saan pwedeng pumasok bilang apprentice ang mga kabataang makakatapos ng K-12.

Binanggit ni Hontiveros na isa ang industriyang ito na lalong lumakas nitong pandemic, at swak din sa competencies ng mga kabataan na karamihan ay digital natives na rin.


Facebook Comments