Lacson-Sotto tandem muling ipinaalala sa publiko ang programa nilang isinusulong na BRAVE

Naniniwala sina Presidential aspirant candidate Senador Panfilo Ping Lacson at Vice Presidential aspirant Senate President Vicente Tito Sotto na malaking maitutulong sa mga Pilipino ang kanilang isinusulong na programa na Budget Reform Advocacy and Village Empowerment (BRAVE) na target na maibaba sa mga Local Government Unit (LGU) ang pondo ng pamahalaan upang magkaroon sila ng aktibong partisipasyon sa pagpapaunlad ng sariling komunidad.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem nagulat sila sa programa ng lokal na pamahalaan ng Batangas ang EBD Health Card ang program na ipinamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Batangas kung saan ang programang ito ng lungsod ay tinaguriang “Industrial Port City of Calabarzon”

Paliwanag ng Lacson-Sotto tandem na kung sila ang papalarin maging susunod na lider ng bansa ay maayos nilang mapamamahalaan ang pambansang badyet upang maipatupad nang tama ang proyektong pangkaunlaran, edukasyon, kalusugan, agrikultura at iba pa hanggang sa mga malalayong probinsya.


Hinikayat din nina Lacson-Sotto tandem ang publiko na maging mapanuri sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa at dapat na mga pipiliin ay talagang serbisyo publiko ang iniisip at talagang nakakatulong hindi umano pagkatapos lang ng eleksyon kalimutan na ang mga ipinapangako at puro pansarili na lang ang inuuna.

Facebook Comments