Cauayan City, Isabela- Dumalaw sina Presidential Candidate Ping Lacson at Vice Presidential Candidate Tito Sotto III dito sa Cauayan City bilang bahagi ng kanilang pangangampanya dito sa probinsya ng Isabela.
Unang nagsalita ang Lacso-Sotto tandem sa ikalawang flag raising ceremony ng LGU Cauayan at isinunod ang kanilang pangangampanya sa FLDY Coliseum.
Sinaksihan ng ito ng ilang alkalde sa lalawigan ng Isabela kasama ang kanilang mga taga suporta.
Ibinahagi ng dalawang kandidato ang kanilang mga plataporma gaya ng pagtulong sa mga magsasaka na maiangat ang presyo ng produktong palay at mais at maibaba rin ang presyo ng mga abono at insektisidyo.
Ipagpapatuloy din umano nila ang pakikipaglaban sa corruption sa gobyerno at sila’y naniniwala na sa pamamagitan ng maayos na pamamalakad nila ay dito mapapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Hindi rin sila natitinag sa sinasabing solid north dahil walang solid north dahil kung may solid north ay wala na sanang pumunta at dumalo sa kanila programa.
Kanila rin sinabi na sila ay nakakaiba sa lahat ng kanilang mga katunggali dahil meron silang iisang desisyon na kahit ano man ang mangyari ay hindi sila aatras sa kanilang pakikibaka para sa darating na May 9 2022 elections.

Facebook Comments