Naniniwala ang Lacson-Sotto tandem na hindi na kailangan na mabago ang sistema ng gobyerno patungo sa pederalismo para lamang maramdaman ng lahat ng lugar sa Pilipinas ang mga serbisyo ng gobyerno dahil ayon kay Partido Reporma Senator Panfilo “Ping” Lacson, kaya itong magawa sa pamamagitan ng isinusulong niyang programa.
Ayon kay Senador Lacson, ang benepisyo ng Budget Reform Advocacy and Village Empowerment (BRAVE) program na puso ng kanyang mga plataporma kung saan sa ilalim nito ay maibababa sa mga Local Government Unit (LGU) ang pondo mula sa national government.
Ayon kina Lacson-Sotto tandem, ang programa ng BRAVE ang panukalang batas na matagal na niyang isinusulong sa Senado dahil alternatibo ito sa Pederalismo, at makapagpapalakas sa kakayahan ng mga LGU na maipatulad ang mga plano para sa kaunlaran ng kanilang komunidad.
Sabi ni Lacson, sa kanilang pakikipagdayalogo sa mga LGU na kanilang binibista ng kanyang running mate na si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III ngayong kampanya, positibo ang nakukuha nilang tugon mula sa mga lokal na opisyal dahil maging sila ay inirereklamo ang nangyayari sa kasalukuyang sistema na halos namamalimos sila para mapondohan ang kanilang mga proyekto.
Tiniyak nina Lacson-Sotto tandem na sa pamamagitan ng BRAVE, maiiwasan ang tila tradisyong hindi nakikinabang ang mga dapat sana’y nakikinabang sa mga proyekto ng pamahalaan.m