Ilang artista at mga nasa entertainment industry, nagpahayag ng suporta kay Sen. Leila de Lima

Nagpahayag ng suporta para kay Senator Leila de Lima ang mga artista at ilang personalidad mula sa entertainment industry.

Kabilang na rito sina Cherrie Pie Picache, Rica Peralejo-Bonifacio, actress-beauty queen na si Precious Lara Quigaman, social media influencer na si Pipay at entertainment reporter na si Ogie Diaz.

Pinasalamatan nila ang senadora dahil nananatili itong matatag sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok.


Kinilala din nila ang mga sakripisyong ginawa ni de Lima para sa mga Pilipino at sa buong bansa kahit na limang taon na siyang nakakulong at pinagkakaitan ng hustisya.

Kasunod niyan, naniniwala rin sila na inosente ang senadora at umaasa silang makakamtan na niya ang inaasam na hustisya, katotohanan at paglaya.

Facebook Comments