Lacson-Sotto tandem, tiniyak na mareresolba ang problema sa edukasyon at agrikultura sa kanilang isinusulong na plataporma

Tinitiyak nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice-presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hangad nila ang na magbigay ng proteksyon at magsulong ng kalayaang makamit ng bawat Pilipino ang kalidad na edukasyon at agrikultura tungo sa maunlad na hinaharap.

Ayon kina Lacson at Sotto, target nila na masolusyonan ang problema sa paghinto ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral dahil ang Pilipinas ang may pinakamataas na dropout rate sa lahat ng bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations.

Paliwanag ng Lacson-Sotto tandem, sa ilalim ng “Edukasyon Plus”, libre na ang tuition fee ng mga estudyante, may dagdag pang Php5,000 allowance kada buwan at internship program sa gobyerno simula sa mga senior high school student.


Giit ng Lacson-Sotto tandem, makatutulong din anila ang isusulong nilnang proyekto kung saan mismong gobyerno na ang bibili ng 50 porsyentong ani ng mga magsasaka at mangingisda sa presyong tatapat sa kanilang pinaghirapan.

Facebook Comments