Mga Pilipino sa Russia, pinadidistansya sa mga kilos protesta sa ilang lugar doon

Pinadidistansya sa rally ng Philippine Embassy sa Russia ang mga Pilipino sa Moscow at ilang lugar doon.

Sa ngayon kasi, may mga nagaganap nang kilos protesta sa ilang lungsod sa Russia bilang pagkundena sa paglusob ng Russia sa Ukraine.

Marami na ring mga demonstrador ang inaresto ng Russian authorities.


Pinaalalahanan ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Russia na iwasang magtungo sa matataong lugar.

Ayon sa Embahada, huwag din sumama sa mga rally kahit pilitin ng kanilang amo.

At huwag sasama sa kanilang amo kapag tutungo ng Ukraine para magbigay ng suporta sa nasabing bansa.

Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na iwasan munang bumiyahe patungo sa South at Southwest na bahagi ng Russia at laging sundin ang alituntunin ng Russian authorities.

Facebook Comments