Lacson-Sotto tandem, walang planong umatras sa presidential at vice presidential race sa kabila ng resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey; mga survey firms, tinawag na nangongondisyon

Walang planong umatras sa presidential at vice presidential race ang tambalang Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa kabila ng paglaki ng lamang sa survey ratings nina Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Sa ambush interview ng media matapos ang proclamation rally sa Argao, Cebu, sinabi ni vice presidential bet Senate President Vicente “Tito” Sotto na ang mga surveys ay ginagamit lang na pang kondisyon sa isipan ng mga botante.

Giit ni Sotto, dapat papanagutin ang mga survey firms sa kalunos-lunos na kalagayan ng nakakaraming Pilipino dahil na sa pangongondisyong ito.


Naniniwala si Sotto at ang kaniyang running mate na si Panfilo “Ping” Lacson na ang tunay na survey ay ang magaganap sa May 9 kung kailan dedesisyunan ng mga botante kung sino ang gusto nilang mamuno sa bansa.

Ayon pa sa Lacson-Sotto tandem, ang mainit na pagtanggap ng tao sa mga lugar na kanilang pinupuntahan ay patunay na iba ang sinasabi ng survey sa reyalidad sa ibaba.

Ipinaalala ni Sotto sa mga botante na tanungin nila ang kanilang mga sarili kung ang mga nagdaang ibinoto nila ay naghatid ng tunay na pagbabago sa kanilang buhay.

Facebook Comments