Lady airline guard, dinakip ng mga otoridad matapos makita sa kanyang locker ang isang pouch na naglalaman ng limpak-limpak na pera

Manila, Philippines – Inaresto ng Airport Police Department (APD) sa Terminal 3 ang isang lady airline security guard matapos makuha sa kanyang locker ang nawawalang pouch na naglalaman ng salapi.

Ito ay makaraang ireklamo ni Sugin Charles Supramany, isang Malaysian national na dumating sa bansa noong September 20, lulan ng Cebu Pacific flight 5J500 mula Kuala Lumpur na naiwan niya ang kanyang pouch.

Ayon sa biktima naiwan niya sa aircraft ang kanyang navy blue pouch na naglalaman ng USD1,190, RM2,000 (Malaysian Ringgit) at Php 60,000.


Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Cebu Pacific at NAIA at dito natuklasan sa locker ni lady guard Eme Estrabela ng Quickstar Security ang limpak-limpak na salapi at ibinalot pa niya ito sa isang plastic bag.

Sa salaysay ng suspek, inamin nito na kinuha niya ang pouch at pera dahil nakatakdang operahan ang kanyang nanay.

Sa ngayon, nahaharap sa paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code (Qualified Theft) ang suspek.

Agad namang iniutos ni MIAA General Manager Ed Monreal na kanselahin ang access pass ni Estrabela at ipinagbawal na itong makapasok sa alinmang airport premises.

Facebook Comments