Ama ni Ralph Trangia, posibleng ilagay na rin sa Immigration Lookout Bulletin Order

Manila, Philippines – Posibleng isama na rin ng Department of Justice sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO ang ama ni Ralph Caballes Trangia.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, hinihintay na lamang nila ang karagdagang report mula sa Manila Police District hinggil sa posibleng partiripasyon ni Antonio Trangia sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.

Hindi aniya nakasama sa kanilang unang pinalabas na ILBO ang nakatatandang Trangia dahil hindi isinama ng MPD ang pangalan nito sa listahan.


Si Antonio Trangia ang registered owner ng pulang Mitsubishi Strada na may plakang ZTV 539 kung saan isinakay si Atio nang dalhin ito sa Chinese General Hospital.

Kinumpirma rin ni Aguirre na ang ruta ni Ralph Trangia nang makapuslit ito palabas ng bansa ay Chicago, USA via Taipei, Taiwan.

Facebook Comments