Lady desk officers, magsisilbing frontliner ng Eastern Police District

Manila, Philippines – Simula ngayong araw makikita na sa Eastern Police District ang mga babaeng policewomen na magsisilbi bilang Customer Service Oriented Lady Desk Officers.

Ayon kay EPD District Director PC Supt. Romulo Sapitula, 52 trained policewomen ang magiging frontliners sa pagbibigay nila ng serbisyo publiko.

Sinabi pa ni General Sapitula na sumailalim ang nabanggit na mga lady desk officers sa public service relations training upang mas maging epektibo sa paggampan sa kanilang mandato.


Kabilang sa mga ito ay may ranggong P02 hanggang SP04 na magsisilbi bilang mga lady desk officers sa umaga pero inaasahang magiging bente kwatro oras ang kanilang serbisyo publiko kapag nakapag sanay pa ng ibang babaeng pulis ang EPD.

Samantala, inatasan din ni Sapitula ang mga Chief of Police sa kanyang area of responsibility na magpatupad ng re-shuffle upang mas mapagbuti pa ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

Facebook Comments