LAGAY NG PAG-IISIP | Mental Health Wellness Break, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain sa Kamara ang panukala na layong bigyan ng Mental Health Wellness Break ang mga empleyado at estudyante. Sa House Bill 7400 ni Agbiag Rep. Michelle Antonio, bibigyan ng tatlong araw na Mental Health Wellness Break ang mga empleyado at mag-aaral. Layunin ng panukala na gawing bukas ang pag-iisip ng lahat sa mental health at mabigyang agad ng lunas ang dumaranas ng mental illness. Para sa mga estudyante, ito ay dapat na i-avail tuwing regular class days at hindi iyong mga araw ng eksaminasyon o pagsusulit. Itinatakda ng panukala na sa sa break na ito dapat i-reassess ng empleyado o estudyante ang kanilang mental well-being o lagay ng kanilang pag-iisip sa tulong ng mga propesyunal. Sakaling maging batas ang panukalang ito, ang lalabag na employer o eskwelahan ay pagmumultahin ng isang daang libong piso at pwedeng makulong ng hanggang anim na buwan ang employer at school officials.

Facebook Comments