Tuluyan nang nalusaw ang Low Pressure Area (LPA) na dating tropical depression Amang.
Pero mayroon namang panibagong LPA na binabantayan ngayon ang PAGASA sa layong 65 kilometers northeast ng Borongan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, mababa pa ang tyansa ng bagong LPA na mabuo bilang isang bagyo.
Sa ngayon anila, northeast monsoon pa rin ang nakaka-apekto sa buong Luzon at Visayas na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ang Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at Bicol Region ay makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas naman ay makakaranas ng maaliwalas na panahon pero asahan na ang pulu-pulong mahihinang pag-ulan.
Makakaranas din ng fair weather ang Mindanao Region.