Daraga, Albay Mayor Baldo, isinugod sa ospital

Nasa maayos nang kondisyon ngunit patuloy pa rin ino-obserbahan sa pagamutan ang itinuturong mastermind sa Batocabe slay na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Sa interview ng RMN Manila kay PNP-CIDG-Bicol Chief Senior Superintendent Arnold Ardiente, kinumpirma nito na ilang oras matapos na maaresto si Baldo ay isinugod siya sa ospital sa Legazpi City.

Ayon kay Ardiente, nahirapang huminga habang nasa detention cell si Baldo na sinabayan pa ng pagtaas ng presyon.


Hindi pa tukoy kung kailan papayagan ng mga doktor na makalabas ng ospital ang alkalde.

Pero kahit nasa ospital, itutuloy pa rin aniya ngayong araw ang pagsasampa ng mga reklamong illegal possession of firearms and explosives laban dito.

Sinisilip din ng PNP ang na-recover sa bahay ni Baldo na sasakyan na hinihinalang ginamit bilang getaway vehicle ng mga suspek sa pagpatay kay Batocabe.

Facebook Comments