Lagay ng panahon, alamin!

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA.

Ang LPA sa loob ng bansa ay huling namataan sa layong 325 kilometers kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City.

Kasalukyan itong nagdadala ng mga pag-ulan sa Northern Palawan.


Habang ang LPA sa labas ng bansa ay huli namang namataan sa layong 1,270 kilometers silangan ng Mindanao.

Ang trough nito ay magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, South Cotabato, Saranggani at Sultan Kudarat.

Habang makararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Calabarzon, Isabela, Aurora, Nueva Ecija at Bulacan dahil sa tail end of a cold front.

Asahan din ang mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Facebook Comments