Tail end of a cold front pa rin ang nakakaapekto sa buong Mindanao.
Dahil dito, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Caraga, Davao Region, Camiguim, Misamis Oriental at Bukidnon.
Kaya pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Asahan naman ang mas malamig na hangin sa gabi at madaling araw sa natitirang bahagi ng bansa bunsod ng hanging amihan.
Habang makararanas din ng mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Bicol, Quezon Province at ang Northern at Eastern Samar.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, mas maaliwalas ang panahon pero may tiyansa pa rin ng mga pag-ambon.
Facebook Comments