Asahan ang bahagyang pag-init ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa.
Ito ay dulot ng paghina ng northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – mayroon kasing high pressure na humaharang sa amihan kaya humina ang epekto nito sa bansa.
Maaliwalas ang panahon sa Luzon kasama ang Metro Manila pero may asahan ang mga biglaang buhos ng ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region at Palawan.
Maulap at presko ang panahon sa Kabisayaan at Mindanao maliban sa mga isolated thunderstorms.
Facebook Comments