Patuloy na nakakaapekto ang hanging amihan sa Luzon.
Ibig sabihin sa susunod na bente kuwatro oras, asahan ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon Province.
Magiging makulimlim na may mahihinang pag-ulan din sa Ilocos Region, CAR, natitirang bahagi ng Central Luzon at Bicol Region.
Sa Metro Manila naman at natitirang bahagi ng Luzon, magiging bahagyang maulap na may pulu-pulong pag-ulan.
Magiging maaliwalas naman sa Visayas at Mindanao pero may maliit na posibilidad ng localized thunderstorm.
Facebook Comments